PRRD nagpasalamat sa Japan sa donasyong higit 1 milyong Astrazeneca vaccine

Dumating na sa bansa kagabi ang mahigit 1 milyong AstraZeneca vaccines na donasyon mula sa Japan.

Sinalubong ito mismo nina Pangulong Duterte at Senador Bong Go kasama ang ilang miyembro ng gabinete at opisyal ng gobyerno.

Nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno ng Japan at kay Prime Minister Yoshihide Suga sa donasyong ito.

Patunay aniya ito ng matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa at patuloy na kooperasyon para labanan ang COVID-19.

Naniniwala sina Pangulong Duterte at Senador Bong Go na makatutulong ang mga bakunang ito upang maprotektahan ang ating mga kababayan at makabangon na ang bansa mula sa Pandemya.

Meanne Corvera

Please follow and like us: