PRRD, umaasang igagalang ang napagkasunduang term sharing nina Speaker Cayetano at Marinduque Rep. Velasco

Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na igagalang nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lourd Allan Velasco ang  napagkasunduang term sharing.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa gusot sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Roque, nakausap niya ang Pangulo hinggil sa isyu ng Speakership sa Kamara.

Inihayag ni Roque na sinabi ng Pangulo na namagitan na siya noon kina Cayetano at Velasco kaya nabuo ang kasunduang term sharing sa Speakership.

Niliwanag ni Roque na kung mayroong sapat na numero o suporta si Velasco ay tiyak na makukuha niya ang pagiging Speaker ng House of Representatives.

Batay sa term sharing agreement, unang uupo si Cayetano sa pagiging Speaker sa loob ng 15 buwan na magtatapos sa October  18 at pagkatapos ay papalit si Velasco hanggang sa pagtatapos ng 18th congress sa June 2022.

Vic Somintac

Please follow and like us: