PRRD, wala nang isasagawang Talk to the People hanggang matapos ang kaniyang termino sa June 30

Hindi na magsasagawa ng regular weekly Talk to the People si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang Talk to the People ay personal na nag-uulat ang Chief Executive ng kaniyang mga naging aktibidad lalo na ngayong panahon ng Pandemya ng COVID -19 habang nagbibigay din ng direktiba sa ilang mga miyembro ng gabinete.

June 6, 2022 nang huling humarap ang Pangulo sa kaniyang Talk to the People kasama sina DILG Secretary Eduardo Año, DOH Secretary Francisco Duque, NTF against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. at NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad.

May 30 naman o eksaktong isang buwan bago ang pagtatapos ng termino ng Pangulo ay isinagawa ang last full Cabinet meeting sa Malakanyang at nagpasalamat sa mga miyembro ng kanyang gabinete at nag- host ng Thanksgiving party para sa Cabinet members kasama ang kanilang pamilya.

Vic Somintac

Please follow and like us: