Public interview para sa mga aplikante sa mababakanteng puwesto sa SC, itinakda sa Dec. 6

Itinakda ng Judicial and Bar Council sa Disyembre 6 ang public interview para sa mga aplikante sa babakantehing puwesto sa Korte Suprema ni Associate Justice Rosmari Carandang.

Si Carandang ay magreretiro sa darating na Enero 9, 2022.

Ang interview ay isasagawa online sa pamamagitan ng Zoom.

Una sa sasalang sa JBC ay sina Commission on Audit Chair Michael Aguinaldo at COMELEC Commissioner Antonio Kho Jr sa ganap na 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Naka-iskedyul naman sa ganap na 2:00 ng hapon sa parehong araw ang interview kay Court of Appeals Justice Maria Filomena Singh.

Samantala, ang pitong iba pang aplikante ay hindi na haharap sa JBC dahil valid pa ang nakalipas nilang interviews.

Ang mga ito ay sina CA Justices Apolinario Bruselas Jr., Ramon Cruz at Ronaldo Roberto Martin, Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje- Tang at Associate Justice Geraldine Faith Econg, Deputy Court Administrator Raul Villanueva, at Finance Undersecretary Antonette Tionko.

Moira Encina

Please follow and like us: