Public school teachers na Senior citizens, target mabakunahan sa Maynila

Mga senior citizen at may comorbidity na guro sa mga Pampublikong paralan naman ang target na mabakunahan ngayon kontra Covid-19 sa Maynila.

Ang vaccination activity isinasagawa ngayon sa Palacio de Manila sa may Roxas Boulevard.

Patuloy namang hinihikayat ang mga nais magpabakuna na magparegister na muna sa www.manilacovid19vaccine.ph para sa mas mabilis na proseso ng registration sa vaccination site.

Para sa mga may commorbidity, magdala lamang ng Medical certificate (sa loob ng 18 na buwan); Prescription ng maintenance na gamot (sa loob ng 6 na buwan); Hospital records tulad ng discharge summary o medical abstract; o Surgical at Pathology records.

Paalala naman sa mga magpapabakuna, tiyaking may suot na face mask at shield at sumunod sa physical distancing.

Madz Moratillo

Please follow and like us: