Publiko at iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan , inalerto na ni Pangulong duterte sa nakaambang pananalasa ng Bagyong Odette

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan na paghandaan ang pananalasa ng Bagyong Odette sa area ng Mindanao, Visayas at ilang bahagi ng Luzon.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang regular weekly Talk to the People na dapat maging alerto ang lahat sa mga posibleng daanan ng bagyo.

Ayon sa Pangulo ugaliing nakamonitor sa mga update sa kalayagan ng Bagyong Odette upang maiwasan ang anumang pinsala sa buhay at kabuhayan.

Inihayag ng Pangulo na kailangang pairalin din ang palaging pag-iingat dahil parin sa pandemya.

Vic Somintac

Please follow and like us: