Publiko, hinimok na makiisa sa isasagawang Nationwide online earthquake drill sa Nov. 11

Inanunsyo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD), na magsasagawa ng Fourth Quarter Online Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa November 11, 2021 sa ganap na alas-8:00 ng umaga.

Naka-live stream ito sa Civil Defense PH Facebook at sa lahat ng social media pages ng NDRRMC.

Nanawagan ang NDRRMC sa publiko na ipagpatuloy ang pakikilahok sa ganitong aktibidad at iba pang community-based preparedness activities at programs upang mapalakas ang kaalaman at kapasidad sa pagtugon sa mga kalamidad gaya ng lindol.

Ito na ang magiging ika-anim na online earthquake drill simula na sinimulan noong third quarter ng nakalipas na taon.

Please follow and like us: