QC, nananatili sa Alert Level 1 sa kabila ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa lungsod

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Quezon City.

Ang paglilinaw ay ginawa ng DOH kasunod ng pagtaas ng QC-Local Government Unit sa kanilang Covid-19 early warning system sa yellow alert .

Ito ay matapos silang makapagtala ng 26 na kaso kada araw nitong nakaraang linggo.

Ayon sa DOH ang yellow status ay para sa heightened monitoring.

Sa ngayon ang QC ay nananatili umano sa low risk category pagdating sa Covid-19 infection.

Madz Moratillo

Please follow and like us: