QC RTC judge, itinalaga na bagong Sandiganbayan justice

Nanumpa na sa posisyon si bagong Sandiganbayan Associate Justice Arthur Oliveros Malabaguio.

Si Malabaguio ay nanumpa kay Chief Justice Alexander Gesmundo sa En Banc Session Hall ng Korte Suprema.

Itinalaga si Malabaguio ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Sandiganbayan kapalit ni Justice Reynaldo Cruz na pumanaw noong 2020.

Si Malabaguio ay nagsilbing Presiding Judge ng Quezon City Regional Trial Court Branch 93 bago ma-promote na mahistrado sa anti-graft court.

Samantala, hinirang naman ng Malacañang na Regular Member ng Legal Education Board si Atty. Salex Espinosa Alibogha.

Si Alibogha ang kinatawan ng active law practitioners sa LEB.

Magpapaso ang kanyang termino sa Enero 14, 2025.

Moira Encina

Please follow and like us: