Quarantine ng 10 close contact ng kauna-unahang kaso ng monkeypox tapos na

Tapos na ang quarantine ng 10 close contact ng kauna-unahang kaso ng monkeypox sa bansa.

Ayon kay Health officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire, hanggang kahapon na lamang ang quarantine ng mga ito.

Pero susuriin pa rin muna aniya ng doktor ang mga ito.

Hindi aniya nakitaan ng anumang sintomas ng monkeypox ang 10.

Dahil dito muling tiniyak ni Vergeire na nananatili pa ring isa lamang ang naitalang kaso ng monkeypox sa bansa.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: