Queen Elizabeth II ng England, may bagong apo sa tuhod

May bagong apo sa tuhod si Queen Elizabeth II ng England.

Ito’y matapos i-anunsiyo nina Prince Harry at Duchess Meghan, ang pagsilang ng kanilang ikawalang anak.

Isang malusog na babaeng sanggol ang isinilang ni Meghan na nasa maayos na ring kundisyon matapos ang panganganak, noong June 4.

Ang bata ay pinangalanang Lilibeth Diana, na hango sa mga pangalan nina Queen Elizabeth II, at sa ina ni Prince Harry na si Princess Diana.

Please follow and like us: