Quirino, muling isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine

Muling isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong Quirino, sa loob ng labing-limang araw simula Abril 1 hanggang 15 alinsunod na rin sa pagpapatibay ng National IATF Overall Chairperson na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang deklarasyong ay may kaugnayan pa rin sa mabilis at patuloy na paglobo ng COVID-19 cases sa buong lalawigan, na ngayon ay umabot na sa 719 total confirmed cases, 442 total active cases, 266 total recoveries, 11 total deaths at 88 new cases.

Samantala, inabisuhan na ang mga taga Quirino, na pag-ibayuhin pa ang kanilang pag-iingat, habang kasado na rin ang lahat ng mga paghahanda para sa mas mahigpit na pagpapatupad nito.

Ulat ni Edel Allas

Please follow and like us: