Re-electionist Marcy Teodoro, wagi bilang alkalde ng Marikina

Photo: Release / Marikina City PIO

Naiproklama na kaninang umaga ng Commission on Elections ang re-electionist at kasalukuyang Marikina City Mayor na si Marcy Teodoro.

Sa statement na inisyu ng city information office, nakakuha si Teodoro ng 183,878 votes sa isang landslide victory, habang ang kaniyang running mate na si Marion Andres, ay nagwagi rin bilang vice mayor.

Ang misis naman ni Teodoro ay nagwagi sa congressional race sa unang distrito ng Marikina, matapos makakuha ng 68,572 votes kumpara sa katunggali nitong si Congressman Bayani Fernando, na nakakuha lamang ng 40,149 votes.

Nakakuha rin ng puwesto sa konseho ang lahat ng councilors na nasa ilalim ng tiket ni Teodoro.

Sila ay sina Sam Ferriol, Kate De Guzman, Manny Sarmiento, Rommel Kambal Acuña, Cloyd Casimiro, Carl Africa, Joseph Banzon, at Serafin Bernardino para sa District 1; Loreto Tolentino, Hilario Punzalan, Angelito Nuñez, Donn Favis, Levy De Guzman, at Marife Dayao naman para sa ikalawang distrito.

Unang nagwagi si Teodoro bilang alkalde ng Marikina noong 2016 at muling nanalo para sa ikalawa niyang termino noong 2019. Nanguna rin siya sa surveys ng Publicus Asia Inc. kung saan nakakuha siya ng 80% approval rating.

Please follow and like us: