Recovery cases sa Covid-19 sa PNP, umakyat na sa 28,595

Nakapagtala ang Philippine National Police ng karagdagang 74 mga gumaling mula sa Covid-19.

Dahil dito, ayon sa datos ng PNP Health service ngayong July 25, pumalo na sa 28,595 ang kabuuang recovery cases sa kanilang hanay.

Gayunman, nakapagtala naman ng panibagong 55 kaso ng virus infection kaya pumalo na sa 29,748 ang kabuuang kaso at nasa 1,073 ang active cases.

Nanatili naman sa 80 ang death toll matapos walang naitalang bagong pumanaw sa virus infection.

Please follow and like us: