Registration ng National ID sisimulan na bukas sa Bulacan

Nag-abiso na sa publiko ang pamahalaang lokal ng Pulilan, Bulacan kaugnay ng pagpaparehistro para sa Philippine Identification system, na mas kilala sa tawag na National ID.

Sisimulan ang registration bukas, Sabado, April 24 at matatapos naman sa May 10, 2021.

Kaugnay nito ay mahigpit ang bilin na ang maaari lamang magtungo sa venue ng registration sa Pulilan gymnasium, ay ang mga naka-schedule o nabigyan ng appointment mula noong November  25 hanggang December  23, 2020.

Maaaring makita ang schedule ng ibang barangay na nakapaskil sa official fb page ng Pulilenews, upang maging gabay at maiwasan ang pagkalito.

Makikita rin sa kanilang post ang guidelines sa pagpo-proseso ng kanilang National ID, maging ang mga dapat sundin para sa maayos na registration.

Mahigpit ding bilin ang pagsunod sa public health at safety protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, pagsunod sa social distancing, at kailangang magdala ng sariling ballpen at sanitizer o alcohol.

Ulat ni Jimbo Tejano

Please follow and like us: