Rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Rolly, ipinag-utos ni Pangulong Duterte

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na tulungan ang mga lokal na pamahalaan sa rehabilitasyon ng mga pasilidad na sinira ng bagyong Rolly.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry pangungunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkukumpuni sa mga nasirang kalsada, tulay at iba pang pasilidad tulad ng mga hospital at paaralan.

Ayon kay Roque handang tulungan ng National government ang mga lokal na pamahalaan na nangangailangan ng tulong para agad na makabangon sa pinsalang idinulot ng nagdaang kalamidad.

Inihayag ni Roque na hinihintay ng Malakanyang ang overall assessment ng damage sa buhay at kabuhayan dahil sa pananalasa ng bagyong Rolly sa Bicol Region lalawigan ng Quezon at Batangas.

Vic Somintac

Please follow and like us: