Relief goods, ipinamahagi sa Gen. Trias city, Cavite

Muling nagsagawa ng relief operation ang pamahalaang panlungsod ng General Trias para sa mga residente nitong naapektuhan ng Covid-19 Pandemic.

Apat na Barangay ang binigyan ng saku -relief goods at facemask para sa mga nasasakupan nitong residente. 


Kabilang sa mga Barangay na nakatanggap ng relief goods at facemask ang mga Barangay Buenavista 1, Buenavista 3, Pasong Kawayan 1, at Barangay Navarro.

Ang mga relief goods at facemask ay dinala sa bawat Barangay Hall at ang mga Barangay official na ang inatasang mamahagi ng tulong.

Nagpasalamat ang mga Barangay officials dahil sa pagbibigay sa kanila ng ayuda ngayong patuloy na nakakaranas ng pandemya ang ating bansa. 

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: