Cong. Edgar Erice at ilang konsehal ng Caloocan, lumipat na sa Aksyon Demokratiko

Nanumpa bilang miyembro ng Aksyon Demokratiko sina Caloocan 2nd District Rep. Egay Erice at anim na konsehal ng Lungsod ng Maynila.

Ang mga ito ay nanumpa sa harap ni Manila Mayor Isko Moreno.

Si Mayor Isko ay matatandaang itinalaga bilang Presidente ng Aksyon Demokratiko na itinatag ni dating Senador Raul Roco noong 1997.

Ayon kay Moreno, isang karangalan para sa kanya na manguna sa Aksyon Demokratiko bilang pag-alala kay dating Senador Roco.

Ayon sa Alkalde, bukas siya na makasama sa trabaho ang kahit sino, kalaban man o kakampi.

Kaugnay nito, pinuri naman ni Erice ang episyenteng pamamahala ni Mayor Isko lalo na sa panahong ito ng Covid-19 pandemic.

Madz Moratillo

Please follow and like us: