Report na pang-aabuso sa isang eskwelahan sa Laguna bubusisiin na ng Deped

Pinaiimbestigahan ni Vice president at education secretary Sara Duterte sa National Bureau of Investigation ang napaulat na pang-aabuso sa Philippine High School for the Arts sa Los Baños Laguna.

Sumulat na si Duterte sa NBI para hilingin na imbestigahan ang umano’y kultura ng pang- aabusong sexual, verbal at emotional ng ilang senior students at faculty members ng eskwelahan.

Ayon kay Deped USEC Epimaco Densing, humingi na sila ng tulong sa Child Protection Unit Child Rights Education desk para imbestigahan rin ang isyu.

Hindi aniya tinotolerate ng Deped ang anumang mga ganitong pang – aabuso.

Nire review na rin aniya ng Deped at ng PHSA administration ang mga patakaran ng eskwelahan para mapalakas ang mga mekanismo at matiyak ang kaligtasan at karapatan ng mga kabataan.

Meanne Corvera

Please follow and like us: