Rescue at relief operations agarang ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Agad na kumilos ang BBM administration para matugunan ang mga pangangailangan ng mga biktima ng lindol sa Abra at maging sa iba pang lugar na naapektuhan ng malakas na lindol na naramdaman din sa Metro manila.

Sa press briefing sa Malacañang ay sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na agarang ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno partikular sa Department of Social Welfare and Development at National Disaster Risk Reduction and Management Council ang pagsasagawa ng Rescue at Relief operations.

Agaran ding nakipag-ugnayan ang Pangulo maging sa mga telecommunication companies para sa patuloy na serbisyo ng komunikasyon sa mga lugar na matinding naapektuhan ng lindol.

Kinumpirma naman ni Angeles na personal na bibisitahin ni Pangulong BBM ang mga nasalanta ng lindol partikular na sa Abra , oras na masigurong ligtas nang bumiyahe patungo sa naturang lalawigan.

Eden Santos

Please follow and like us: