Roger Federer out na sa Australian Open dahil sa knee surgery

MELBOURNE, Australia (AFP) – Sa kauna-unahang pagkakataon ng kaniyang tennis career, ay hindi na makapaglalaro ang Twenty-time Grand Slam champion na si Roger Federer sa Australian Open, dahil nagpapagaling pa rin siya mula sa pinagdaanang dalawang operasyon sa tuhod.

Ayon sa organisers, simula pa noong Pebrero ay hindi na nakapaglalaro ang 39-anyos na Swiss.

Si Federer, na paborito ng Melbourne crowds, ay nakapaglaro sa lahat ng Australian Open mula nang siya ay mag-debut noong 2000, kung saan anim na ulit siyang nagwagi.

Hindi na nakapaglaro sa alinmang tournament si Federer mula nang matalo kay Novac Djokovic sa semi-final sa Melbourne noong Enero, at na-miss na rin niya ang 2020 season na natigil dahil sa pandemya.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: