Ruling ng Comelec sa pangangampanya, ipinarerebisa

Ipinarerebisa ni Senador Joel Villanueva ang ipinatutupad na ruling ng Commission on Election sa pangangampanya.

Duda si Villanueva kung masusunod ang panuntunan ng COMELEC tulad ng pagbabawal ng selfie at paglapit sa mga kandidato.

Kung pagbabatayan aniya ang mga nakaraang proclamation rally ng mga kumakandidato, hindi naman nasunod ang mga panuntunan sa pangampanya.

Wala siyang tinukoy sa mga naging proclamation rally ng mga kandidato pero malinaw aniya sa mga video footage na lahat sila dinumog ng mga supporters.

Meanne Corvera

Please follow and like us: