Russian Ambassador Igor Khovaev, pormal nang nagpaalam kay Pangulong Duterte

Bilang pagtatapos ng Tour of Duty, pormal ng nagpaalam kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang si Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev sa pamamagitan simpleng seremonya.

Pinasalamatan ni Pangulong Duterte si Ambassador Khovaev sa naging mahalagang papel nito sa pagsuporta sa Independent Foreign policy ng Duterte Administration.

Ayon sa Pangulo, sa pamamagitan ni Ambassador Khovaev ay lalong lumakas ang ugnayang diplomatiko ng Russia at Pilipinas sa larangan ng depensa at ekonomiya.

Sa panig naman ni Ambassador Khovaev tiniyak nito kay Pangulong Duterte ang suporta ng Russian government sa paglaban sa Pandemya ng Covid-19.

Ginawaran ni Pangulong Duterte si Ambassador Khovaev ng Order of Sikatuna na may ranggong Datu Grand Cross Gold Distinction.

Vic Somintac

Please follow and like us: