Sagada Mayor James Pooten Jr., tuloy ang trabaho kahit naka-quarantine

Bagamat naka-isolate, patuloy pa ring gaganap sa kaniyang tungkulin si Sagada Mayor James Pooten Jr.

March 26 nang lumabas ang resulta ng kaniyang RT-PCR test na positibo siya sa Covid-19 pero asymptomatic.

Isinailalim na rin sa isolation ang kaniyang Municipal Health officer.

Hinikayat din ng alkalde ang mga naka-contact nya sa nakalipas na 14 araw na sumailalim na rin kaagad sa isolation o sumangguni sa kani-kanilang Barangay Health Emergency Response Team (BHERTs) o Municipal Health Office para sa mga karampatang hakbang at schedule ng testing.

Please follow and like us: