Samahan ng mga rider sa Malabon City , nakiisa sa Brigada Eskwela

Abala man sa ibat ibang gampanin ay sinikap pa rin ng Philippine Riders Club Emergency Response Team na makabahagi sa Brigada Eskwela sa Potrero National High School, Lungsod ng Malabon.

Pinangunahan ni Mr. Edong Roque at officers ng grupo ang pagpipintura sa 200 silya na ginagamit ng mga estudyante, gayundin ang paglilinis sa mga silid aralan.

Layunin ng aktibidad na kahit sa kakaunting kakayahan ng grupo ay makapag ambag sila ng tulong sa mga mag-aaral at mga guro.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pangasiwaan ng paaralan sa pangunguna ni Punong Guro Mrs. Olivia Q. Martin, dahil sa pagtulong at pakikiisa ng grupo sa Brigada Eskwela, para sa kapakanan ng mga kabataang mag aaral.

Aldrin Puno

Please follow and like us: