San Antonio Spurs, dinaig ng Memphis Grizzlies

Ja Morant of the Memphis Grizzlies goes to the basket against the San Antonio Spurs during the first half at the FedExForum on February 28, 2022 in Memphis, Tennessee.Justin Ford / Getty Images / AFP

Gumawa si Ja Morant ng 52-point sa NBA Western Conference nitong Lunes (Martes sa Pilipinas), kung saan tinalo ng Memphis Grizzlies ang San Antonio Spurs sa score na 118-105.

Bumawi ang Memphis, kasunod ng pagkabigo laban sa Chicago Bulls noong Sabado.

Ang panalo ay naglagay sa Memphis sa third place sa Western Conference na may 43 wins at 20 defeats, sa ilalim ng pumapangalawang Golden State Warriors (43-18) at ng nangungunang Phoenix Suns (49-12).

Samantala, wagi rin ang Miami Heat laban sa Chicago Bulls sa score na 112-99 sa kanilang top-of-the-table Eastern Conference clash.

Si Gabe Vincent at Tyler Herro ay kapwa umiskor ng 20 points, habang si Jimmy Butler at Bam Adebayo ay kapwa rin nakagawa ng 15 points para sa Miami.

Si Zach Lavine ang nanguna para sa Chicago na may 22 points, habang kapwa naman nag-ambag ng tig-18 points sina DeMar DeRozan at Ayo Dosunmu. Gumawa naman ng 14 points si Nikola Vucevic.

Please follow and like us: