San Juan City Government lumagda ng pledge of committment para mawakasan ang lokal na komunismo at armed conflict

Nilagdaan ng pamahalaang lungsod ng San Juan City ang pangako na wakasan ang lokal na komunismo at armadong pakikibaka.

Sa isinagawang Barangay Peace and Order Summit, pinangunahan ni Mayor Francis Zamora ang paglagda sa ‘Pledge of Commitment to Support ELCAC (End Local Communist and Armed Conflict).

Kasama sa mga pumirma ang mga opisyal ng 21 barangay sa San Juan.

Sinabi ng alkalde na ito ay bilang pagsuporta sa  Executive Order No. 70 S. 2018, ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapanatili ang kapayapaan sa bansa.

Anya  nais ng San Juan  City Government na pigilan ang mga pangunahing dahilan ng pag-aalsa, panloob na mga kaguluhan at tensyon, at iba pang mga armed conflict at threat.

Moira Encina

Please follow and like us: