SC at lahat ng hukuman sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3, naka-lockdown hanggang katapusan ng Enero

Ipinagutos ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang pisikal na pagsasara ng Korte Suprema at lahat ng mga hukuman sa NCR at iba pang lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.

Sa memorandum order ni Gesmundo, sinabi na ito ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID- 19 sa bansa dahil sa Omicron variant.

Naka-lockdown ang mga nasabing korte mula Huwebes, Enero 13 hanggang Enero 31.

Maaari lamang ma-contact ang mga apektadong hukuman sa pamamagitan ng kanilang official email address, hotlines, at Facebook page kung mayroon.

Kaugnay nito, suspendido ang lahat ng in-court hearings sa mga nabanggit na korte.

Pero, pinapayagan ang videoconferencing hearings sa mga urgent matters gaya ng bail hearings, inquests, promulgation of acquittals o dismissal ng mga kriminal na kaso, temporary o permanent protection orders, habeas corpus petitions, petitions for writs of amparo at mga katulad nito.

Moira Encina

Please follow and like us: