SC Justice Bernabe umaasang magiging inspirasyon ang buhay ni PNoy sa mga kasalukuyan at hinaharap na lider ng bansa

Nagbigay pugay din si Supreme Court Senior Associate Justice Estela Perlas- Bernabe kay dating Pangulong Noynoy Aquino.

Si Aquino ang nagtalaga kay Bernabe bilang mahistrado ng Korte Suprema noong 2011.

Sa kanyang statement, inihayag ni Bernabe ang kanyang pakikiramay sa pamilya Aquino para sa pagpanaw ng dating presidente.

Ayon kay Bernabe, ang tangi niyang personal interaction kay Aquino ay sa Malacañang para sa interbyu bago siya hirangin nito sa Supreme Court.

Gayunman, sa iisang pagkakataon na nakasalamuha niya si Aquino ay tumatak sa kanya ang karakter nito bilang taong may mababang loob, makabayan, intellectual competence, at integridad.

Napatunayan aniya na ang mga ito ay hindi lang impresyon kundi aktuwal na katangian ni Aquino sa kanyang ginawang pamumuno sa bansa.

Umaasa si Bernabe na ang buhay ni Aquino ay maging inspirasyon para sa mga lider ng bansa sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Moira Encina

Please follow and like us: