SC Justice Marvic Leonen ikinalungkot ang pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino

Nagdadalamhati si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Si Leonen ay itinalaga ni Aquino sa Korte Suprema noong 2012 at nagsilbing chief negotiator nito sa peace talks sa MILF.

Ayon kay Leonen, isang karangalan na mapagsibilhan niya si Aquino.

Isa aniyang mabuting tao at pursigido si Aquino ng kanyang pagnanasa na mapagsilbihan ang publiko.

Sinabi ni Leonen na marami siyang natutunan sa dating presidente.

Aniya nakita niya na dinala at ginampanan ni Aquino ang kanyang posisyon nang may integridad at dignidad.

Moira Encina

Please follow and like us: