SC: Positibong kaso ng COVID-19 sa lower courts, lagpas 1,000

Kabuuang 1,113 ang positibong kaso ng COVID-19 sa mga mababang korte sa bansa.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Brian Hosaka, ang bilang ay batay sa pinakahuling tala mula sa Office of the Court Administrator noong Abril 25.

Hindi naman tukoy ng Korte Suprema kung ilan sa mga nasabing nag-positibo ang aktibong kaso o nagpapagaling pa.

Gayunman, umaabot na anya sa 20 ang bilang ng mga nasawing lower court personnel dahil sa COVID-19.

Una nang sinabi ng Supreme Court na pagkakalooban nito ng pinansyal na tulong mga hukom at kawani ng trial courts na na-ospital at namatay dahil sa virus.

Moira Encina

Please follow and like us: