Schedule ng kanilang operasyon hanggang Jan. 5, 2021 inilabas na ng MRT-3

Inilabas na ng Metro Rail Transit-3 ang iskedyul ng train operation para sa holidays.

Ayon sa MRT-3, simula December 19 – 23, at mula December 26 – 30, ang unang tren ay aalis sa North Ave. station ng alas-4:37 ng umaga, habang ang huling tren ay aalis ng alas-9:30 ng gabi.

Sa mga kapareho ring araw, ang unang tren naman mula Taft Ave., ay aalis ng ala-5:17 ng umaga habang ang huling tren ay aalis ng alas-10:10 ng gabi.

Simula naman December 24 – December 31, ang unang tren ay aalis sa North Ave. ng alas-4:37 ng umaga at ang huling tren ay aalis ng alas-7:45 ng gabi. Samantala, ang unang tren sa Taft Ave. ay aalis ng alas-5:17 ng umaga at ang huling tren ay aalis ng alas-8:25 ng gabi.

Sa December 25, ang unang tren ng MRT-3 ay aalis sa North Ave. station ng ala-6:30 ng umaga at ang huling tren ay aalis ng alas-9:30 ng gabi, habang ang unang tren ay aalis ng Taft Ave. Station ng ala-6:30 ng umaga at ang huling tren ay aalis naman ng alas-10:10 ng gabi.

Pagdating naman ng Jan. 1, 2021, ang unang tren ay aalis sa North Ave. station ng ala – 6:30 ng umaga at ang huling tren ay aalis ng alas-9:30 ng gabi, habang ang unang tren ay aalis sa Taft Ave. station ng ala-6:30 ng umaga at ang huling tren ay aalis ng alas-10:10 ng gabi.

Simula naman sa Jan. 2, ang unang tren ng MRT-3 ay aalis sa North Ave. Station ng alas-4:37 ng umaga at ang huling tren ay aalis ng alas-9:30 ng gabi, habang ang unang tren ay aalis naman sa Taft Ave. station ng ala-5:17 ng umaga at ang huking tren ay aalis ng alas-10:10 ng gabi.

Hanggang nitong December 20, ang 98, 385 na mga pasahero na ang napagsilbihan ng MRT-3, at nakapagtala naman ng average na 20 running trains kapag peak hours.

Liza Flores

Please follow and like us: