Scubasurero Program regular na isinasagawa sa Hundred Islands National Park

Patuloy ang regular na isinasagawang SCUBAsurero Program ng lungsod ng Alaminos,sa pangunguna ni Mayor Arth Bryan Celeste at ng Hundred Islands National Park-Protected Area Management Board, upang mapanatili ang kalinisan at mapangalagaan ang nasabing parke.

Ngayong Pebrero ay muling nakibahagi at nakiisa sa aktibidad ang Rotaract Club of Hundred Islands, DENR -CENRO , Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Maritime Police Precinct, Alaminos City, PNP Alaminos City, Phil.Coastguard, BFP, CDRRMO, City General Services Office, City Tourism Office at Task Force Isla.

Sa ginawang underwater cleanup maging sa baybayin, ay ilang sako ng basura ang nakolekta ng mga SCUBAsurero.

Ulat ni Grace Bermal

Please follow and like us: