Second mobile force company, patuloy sa pagsasagawa ng tree planting activity

Patuloy na nagsasagawa ng tree planting activity ang 2nd provincial mobile force company sa Tayug, Pangasinan.

Isangdaan at dalawampung iba’t-ibang seedlings ang kanilang itinanim sa likurang bahagi ng kampo at ito’y madaragdagan pa.

Ayon kay Police Lt. Charisse Lalas, PCAD Officer, ang naturang aktibidad ay bilang bahagi ng pangangalaga sa kalikasan sa pangunguna ng mga kagawad ng pulisya sa lugar.

Ulat ni Juvy Barraca