Senado inadopt ang resolusyong nagpapahintulot sa Kongreso sa canvassing ng mga boto

Inaprubahan na ng Senado ang Senate Concurent Resolution no. 18 para mag convene ang Kamara at Senado bilang National Board of Canvassers simula bukas.

May 24 ang NBOC ang magbibilang ng boto at sila rin ang magpo proklama ng mga nanalong kandidato sa pagka Pangulo at pangalawang Pangulo.

Alas diez ng umaga bukas magsisimula ang canvassing sa Kamara.

Aabot sa 167 ang mga ballot boxes na naglalaman ng mga Certificate of Canvass at 441 na mga ballot boxes na may election returns ang nakatakdang bilangin ng mga Senador at Kongresista bukas.

Alas kwatro kaninang umaga kanina nang simulan itong i transport patungong batasan complex sakay ng mga six by six trucks ng militar.

Meanne Corvera

Please follow and like us: