Senado, mananatiling naka-lockdown hanggang Abril 5

Mananatiling naka-lockdown ang Senado hanggang sa April 5 dahil sa patuloy na banta ng Pandemya ng Covid-19.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na pinapayagang  hindi muna mag-report ang mga empleyado hanggang matapos ang Lenten break.

Pagsapit aniya ng April 5 ay saka sila magdedesisyon na magpatupad ng skeletal force.

Sa ngayon aabot sa 24 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Senado.

Meanne Corvera

Please follow and like us: