Senado, mananatiling naka-lockdown

Nananatiling naka-lockdown ang lahat ng tanggapan sa Senado.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto bahagi ito ng pag-iingat dahil sa ilang empleyado ang tinamaan ng Covid-19.

Pero sinabi ni Sotto na papasok siya sa Senate Plenary mamayang hapon para makagawa ng sesyon.

Makakasama niya sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, dalawang empleyado mula sa Senate Secretariat at dalawang tauhan ng Senate Sergeant at Arms.

Nakapangako kasi aniya ang Senado sa Kamara na pagtitibayin sa Second reading ngayong araw  ang  ilang Local at  Franchise bill.

Meanne Corvera

Please follow and like us: