Senado nagsagawa ng Necrological services para kay Dating Senator Sonny Osmeña

Nagsagawa ng necrological service ang Senado para kay dating Senator John Henry “Sonny” Osmeña.

Si Osmeña na kilala bilang lone ranger dahil sa kaniyang pagiging independent ay pumanaw noong nakaraang buwan sa edad na 86.

Sa necrological services, ibinigay ni Senate President Vicente Sotto kay John henry Gregory Osmeña ang kopya ng resolusyon na pinagtibay ng Senado.

Nakasaad sa resolusyon ang pagkilala ng Senado sa mga naging ambag ni Osmeña sa lipunan at bilang isang public servant.

Ayon kay Sotto , si Osmeña ay kilala bilang graft buster na siya ring pasimuno noon ng Senate investigations sa mga tauhan at opisyal ng gobyerno na idinadawit sa mga kaso ng katiwalian.

Meanne Corvera

Please follow and like us: