Senado nagsagawa ng Necrological services para kay Dating Senator Victor Ziga

Binigyan ng huling pagpupugay ng mga dati at kasalukuyang Senador si Dating Senator Victor Ziga na namatay noong January 31.

Nagsagawa ng necrological services ang Senado kanina bilang pagkilala sa mga naging ambag ni Ziga sa lipuan na dinaluhan ng mga dating mambabatas, kaibigan at mga kamag anak

Si Ziga na mula sa albay ay nagsilbi bilang Senador mula 1987 hanggang 1992.

Isa sya sa mga nagsulong para maaprubahan ang senior citizens law, local government code at ang build, operate and transfer law.

Sa Necrological services, ibinigay sa pamilya ni Ziga ang Senate resolution 48 na nagpapahayag ng pakikiramay ng Senado sa kaniyang pamilya

Meanne Corvera

Please follow and like us: