Senado, umapila sa Malakanyang na mabigyan ng bakuna ang mga empleyado ng Legislative Department

Nakipag-usap na ang Senado sa Malacañang para makakuha ng 5,000 doses ng anti Covid vaccine.

Ayon kay Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri, kailangang mabakunahan na rin ang mga empleyado para hindi maparalisa ang operasyon ng Mataaas na Kapulungan.

Nangangamba ang Senador na kung hindi mababakunahan, hindi malayong magkaroon ng panibagong hawaan.

Sa ngayon naka-lockdown ang Senado hanggang April 11 dahil sa mataas na kaso ng mga nagpositibo.

Bagamat naka-recess ang Senado, sinabi ni Zubiri na maraming trabahong dapat asikasuhin ang mga empleyado kasama na ang posibleng paghahanda para sa Budget deliberations ngayong taon.

Meanne Corvera

Please follow and like us: