Senador Bato dela Rosa: Operasyon ng illegal drugs, lumalakas na naman

Nababahala si Senador Ronald dela Rosa sa tila pagbabalik ng operasyon ng illegal drugs sa bansa.

Ayon sa Senador ,katunayan ito ng pagkakakumpiska ng malalaking volume ng illegal drugs sa mga operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Pangamba ng Senador ,baka malaki pa ang volume ng illegal drugs na nakalulusot o naipupuslit.

Mungkahi  ni dela Rosa, dapat magkaroon ng malinaw na patakaran hinggil dito ang Marcos administration tulad ng matapang na paglaban noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

May ilang pulis daw kasi ang nag- aalingangan na labanan at kumilos laban sa mga sindikato ng iligal na droga dahil wala silang suporta mula sa Malacañang .

Meanne Corvera

Please follow and like us: