Senador Bong Go at Pangulong Duterte isasabak ng PDP laban sa eleksyon sa 2022

Inindorso ng National council ng ruling party na PDP laban sina Senador Christopher Bong Go at Pangulong Rodrigo Duterte na maging pambato sa Presidential at Vice presidential race sa 2022 elections.

Ayon kay Energy secretary Alfonso Cusi na naitalaga ring bagong presidente ng partido, napagkasunduan ito sa national executive council meeting noong September 8, 2021.

Isasapinal aniya ito sa ipapatawag na national assembly ng partido sa miyerkules.

Si Senador Go, nagpapasalamat raw sa PDP laban sa pagkilala sa kanyang kakayahan.

Pero tatakbo lang siya sa eleksyon kung ang kaniyang magiging runningmate ay ang pangulo.

Ipapaubaya niya rin ang kapalaran sa mag-amang Duterte dahil napaulat na tatakbo rin sa eleksyon ang anak ng pangulo na si Mayor Sara.

Meanne Corvera

Please follow and like us: