Senador Bong Go, desidido na sa pag-atras sa Presidential race

Hindi na raw magbabago ang pasya ni Senador Christopher Bong Go na iniurong ang kandidatura sa eleksyon sa Mayo.

Ayon kay Go, pinal na ang kaniyang desisyon.

Humingi din siya ng paumanhin sa mga tagasuporta at sinabing marahil hindi pa raw nakalaan sa kanya ang posisyon.

Sa ngayon ayon sa Senador dahil hindi na siya kasama sa mga kandidato namimili na ang Pangulo kung sino ang susuportahang presidential candidate .

Kwalipikado naman aniya ang limang tumakbo sa pagkapangulo pero mas nais ng pangulo ay ang makapagpapatuloy ng kaniyang mga nasimulang programa.

Ang PDP laban iginagalang ang pasya ni Go.

Kailangan raw nilang magmove forward para makahanap ng maaring pumalit kay Go bilang standard bearer ng administrasyon.

Meanne Corvera

Please follow and like us: