Senador Bong Go sa publiko: maging vigilant at patuloy na sumunod sa health protocol

Umapila si Senador Christopher Bong Go sa mga kapwa pilipino na maging vigilant at patuloy na sumunod sa mga itinatakdang health protocol.

Sa harap ito ng desisyon ng Inter Agency Task Force na payagan na ang full capacity ng lahat ng mga business establishment.

Sinabi ni Go na Chairman ng Senate Committee on Health na mahalaga na protektahan pa rin ang sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga itinatakdang health protocol kahit mababa na ang kaso ng nagpopositibo sa COVID- 19.

Dapat rin aniya ipatupad ng mga local government units at mga business establishment ang patakaran ng walang kinikilangan tulad ng guidelines na pagpapakita ng mga vaccination card bago makapasok o mag dine para matiyak na ligtas sa virus ang publiko.

Hinimok rin ng Senador ang pubkliko na magpabakuna at magpa booster shot para maprotektahan laban sa virus.

Meanne Corvera

Please follow and like us: