Senador Pia Cayetano umalma sa panukalang pagsuutin ng faceshield ang mga biker

Hindi pador si Senador Pia Cayetano na pagsuutin rin ng faceshield ang mga biker bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Cayetano, hindi tamang gawing requirement ng inter-agency task force ang pagpapasuot ng faceshield habang nagba-bike.

Bilang isang siklista, sinabi ng Senador na dapat aware sa kalsada at paligid pero delikado aniya kapag nakasuot ng shield.

Maari aniya itong makaapekto sa vision ng isang siklista o bikers na maaring magresulta pa ng aksidente.

Paalala naman ng Senador mahalaga ang pagba bike at iba pang uri ng ehersisyo lalo na sa pagpapalakas ng mental at physical health ngayong may nararanasang pandemya.

Meanne Corvera

Please follow and like us: