Senador Francis Pangilinan hindi pabor sa ginawang pagsasapubliko ng pangulo sa mga kongresistang umano’y dawit sa katiwalian

Hindi pabor si Senator Francis Pangilinan sa ginawang pagsasapubliko ng pangulo sa mga kongresistang umano’y dawit sa katiwalian.

Ayon kay pangilinan, ano ang motibo sa pagsisiwalat ng kanilang pangalan kung mismong ang pangulo umaming walang direktang ebidensya laban sa kanila.

Isang uri aniya ito ng shame campaign at dapat sinampahan na lang sila ng kaso sa korte.

Tila iba aniya ang patakaran ng gobyerno sa isyu ng kurapsyon dahil hindi isinasapubliko ang mga umanoy kakampi na dawit sa anomalya kahit klaro na ang mga ebidensya.

Tinukoy nito ang mga opisyal na sangkot sa overpriced na mga testing kits at tone toneladang shabu sa bureau of customs.

Meanne Corvera

Please follow and like us: