Senador Go , nagwithdraw na ng kandidatura sa COMELEC

Ilang linggo matapos mag-anunsyo na aatras na sa pagtakbo bilang presidente, pormal ng inihain ni Senador Bong Go ang kanyang Withdrawal of Candidacy sa Commission on Elections.

Nagkabiglaan ang lahat ng dumating si Go sa Comelec dahil nakasakay lang siya sa taxi pagpunta sa Comelec.

Nagtaxi lang din siya ng umalis sa tanggapan ng Comelec.

Ayon kay Go nagtaxi siya sa pagpunta sa Comelec para maiwasan ang dagsa ng tao.

Wala din daw nakakaalam ng pagpunta niya ngayon sa Comelec maliban kay Pangulong Duterte.

Matatandaang nitong mga nakaraang linggo halos araw araw sa harap ng Comelec ang mga supporter ni Go para ipanawagan na huwag ituloy ng senador ang pag-atras nito sa presidential race.

Muli namang umapila ng pang-unawa si Go sa kanyang supporters sa kanyang pag-atras ng kandidatura.

Madz Moratillo

Please follow and like us: