Senador Joel Villanueva, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositive sa COVID-19 si Senador Joel Villanueva .

Sinabi ng Senado na nagpositive siya sa RT PCR kahapon pagkatapos na lagnatin at makaranas ng pananakit ng ulo.

Dumalo pa sa sesyon ang Senador nitong linggo kaya pinayuhan ang mga nakasalamuha na mag-isolate.

Naka isolate na ang Senador at naniniwala itong agad gagaling dahil mayroon siyang booster shot laban sa COVID-19.

Si Villanueva na ang pang sampu sa mga Senador na nagpositibo sa virus.

Meanne Corvera

Please follow and like us: