Senador Lacson , ibinunyag na may inilunsad na black propaganda laban sa kanyang kandidatura

Ibinunyag ni Senator Ping Lacson na may inilunsad nang black propaganda para sirain ang kaniyang kandidatura.

Ayon kay Lacson, isang political group ang gumastos para siraan siya sa publiko sa ilalim ng tinaguriang oplan wasak.

Tinamaan raw kasi ito sa kanilang campaign tagline na ubusin at ipapakulong ang mga magnanakaw.

Hindi pinangalanan ni Lacson kung sino ang may pakana ng black propaganda pero minabuti nang isapubliko dahil sa dirty tactics ng mga kalaban sa pulitika

Hindi na raw bago sa kaniya ang ganitong mga atake at banta sa buhay dahil pinagdaanan niya ito sa tagal niya sa pagseserbisyo sa gobyerno.

Banta ng Senador, oras na mapatunayan ang kanilang impormasyon handa nilang komprontahin ang kandidatong ito.

Meanne Corvera

Please follow and like us: