Senador Lito Lapid, nagpositibo sa Covid-19

190974595_4297641180260130_8680300082614436365_n

Nagpositibo sa Covid-19 si Senador Lito Lapid.

Ayon sa tanggapan ng Senador, nakakaranas ng mild to moderate symptoms si Lapid na naka- confine na sa Medical City sa Clark, Pampanga.

Isinailalim na rin sa testing ang lahat ng kaniyang mga nakasalamuhang personal at close-in employees at pinayuhang sumailalim sa quarantine.

Si Lapid na ang ika-pitong Senador na nagpositibo sa Covid-19 virus mula kina Senators Sonny Angara, Juan Miguel Zubiri, Koko Pimentel, Ronald dela Rosa, Bong Revilla at Richard Gordon.

Meanne Corvera